Home
“Badtrip” by Agaw Agimat
Album Patak [1996]
Ave. Rating: 0 (0 votes)

INTRO


Umalis ka na naman
Palagi mo akong iniiwan
Ba't ka naman ganyan
Wala ka na bang nararamdaman


Balak mo pa ba akong balikan
Lagi ka na lang umaalis
Nang walang paalam


CHORUS
Sinalanta ako ng bagyo
'Di ko alam kung saan ako patungo
Tuloy pa rin ang biyahe mo
Sa Europe, Japan, Malaysia, Taiwan
Singapore, Hong Kong, USA, New Zealand

Naanod na ako ng lahat
Wala na akong ibang masilungan
Tuloy pa rin ang biyahe mo
Sa Europe, Japan, Malaysia, Taiwan
Singapore, Hong Kong, USA, New Zealand


REFRAIN
Malala, malala na
Ma, malala na
Ma, malala na
Malala na


Out of the country ka lagi
Kasama ang iyong mga kumpadre
Nakikipagkamustahan ka
Ako, ba't 'di mo kinakamusta


May panahon ka pang mag-shopping
Kasama ang iyong unang darling
Ano yan, pera mo ba 'yan
Nakurakot mo lang sa bayan


[Repeat CHORUS]
[Repeat REFRAIN]



BRIDGE
Ba't ako maghihintay sa 'yo
Pwede kitang palitan kahit sino
Marami namang 'di katulad mo
Hindi naka-tabako at tunay ang puso


CHORUS 2
Sinalanta ako ng bagyo
'Di ko alam kung saan ako patungo
Tuloy pa rin ang biyahe mo
Sa Europe, Japan, Malaysia, Taiwan
Singapore, Hong Kong, USA, New Zealand

Sinalanta ako ng bagyo
'Di ko alam kung saan ako patungo
Bisitahin mo naman ako
Sa Tawi-tawi, Ipil, Pampanga
Siquijor, Negros, Bohol at Naga


Mahiya ka
Aw!
Comments
blog comments powered by Disqus
Related Lyrics
Page Views: 632