Home
“Ako'y Sa'yo at Ika'y Akin” by Sitti feat. Jek Manuel [formerly of IAXE/Deep Protek]
Album Sessions [2011]
Words By Jon Bunda
Music By Jon Bunda
Ave. Rating: 0 (0 votes)

Ikaw na ang may sabi na ako'y mahal mo rin
At sinabi mong ang pag-ibig mo'y 'di magbabago
Ngunit bakit sa tuwing ako'y lumalapit, ika'y lumalayo
Puso'y laging nasasaktan 'pag may kasama kang iba
'Di ba nila alam tayo'y nagsumpaan
Na ako'y sa 'yo at ika'y akin lamang

Kahit anong mangyari, pag-ibig ko'y sa 'yo pa rin
At kahit ano pa ang sabihin nila'y ikaw pa rin ang mahal
Maghihintay ako kahit kailan
Kahit na umabot pang ako'y nasa langit na
At kung 'di ka makita, makikiusap kay Bathala
Na ako'y sa 'yo at ika'y akin lamang

Umasa kang (umasa kang) maghihintay ako kahit kailan (maghihintay kahit kailan)
Kahit na umabot pang ako'y nasa langit na (umabot pang ako'y nasa langit na)
At kung 'di ka makita, makikiusap kay Bathala
Na ika'y hanapin at sabihin
Ipaalala sa iyo ang nakalimutang sumpaan (nakalimutang sumpaan)
Na ako'y sa 'yo at ika'y akin lamang

Na ako'y sa 'yo at ika'y akin lamang
Song Trivia
I was still in high school when I wrote this song... it's all about a school crush and "komiks" reading na pastime ko noon after school. When I first wrote this, the chords and melodies are not that good since I was still learning how to write songs and play the guiter... but during college days, I re-arranged it again and came up with the final version na napapakinggan natin ngayon.. Yun palang word na "bathala" eh hindi ako ang nag-isip, kun'di ang nanay ko... hehehe. Wala ako maisip na rhyme noon kasunod ng "at kung 'di ka makita," ilalagay ko sana "makikiusap sa Diyos." Sabi ng nanay ko eh hindi daw rhyme at try ko daw Bathala. Ayun, pumasok!!! Hehehe.

- Jon Bunda
Comments
blog comments powered by Disqus
Download MP3
Related Lyrics
Page Views: 1,354