Home
“Sulat” by Sitti feat. Gary Granada
Album Sessions [2011]
Words By Gary Granada
Music By Gary Granada
Ave. Rating: 0 (0 votes)

Sinikap kong hangga't maaari
Ika'y makapiling ko ngayon
Ngunit hinihiling ng pangyayari
Hinihingi ng panahon

Na sa sandaling ito
Ako'y malalayo sa 'yo
Sa pangungulila't kalungkutan
Maraming salamat; 'di mo nalimutan

Kahit ako ay malayo
Ikaw ay malapit sa aking puso
Kahit sa'n mapadako
Laging kapiling ko ang mga sulat mo

Ang lagi kong dinadalangin
Ika'y pagpalain Niya tuwina
Hanggang sa tayo'y pagsamahin
Hanggang ako'y makauwi na

Sa kupas na sulat mo
Mababakas ang luha ko
At sa alaala't agam-agam
Maraming salamat sa 'yong mga liham

Kahit ako ay malayo
Ikaw ay malapit sa aking puso
Kahit sa'n mapadako
Laging kapiling ko ang mga sulat mo

Kahit sa'n mapadako
Laging kapiling ko ang mga sulat mo
(Laging kapiling ko) Ang mga sulat mo
(Laging kapiling ko) Ang mga sulat mo
Song Trivia
Nagawa itong kantang ito more than twnety years ago, hindi pa uso ang email at lalo na ang text messaging. Mabilis dumating at libre lang mag-email at ang mura lang mag-text lalo na 'yung "unli." Ngunit ang sulat-kamay sa papel ay pwede mong iyakan at do'n din mismo mailathala ang nainilaw na ika'y mga bakas ng lumipas. Samantalang ang computer at cellphone ay nasisira 'pag nababasa hehe.

- Gary Granada
Comments
blog comments powered by Disqus
Download MP3
Related Lyrics
Page Views: 647