Home
“Sana” by Sitti
Album Sessions [2011]
Words By Emil Pama
Music By Emil Pama
Ave. Rating: 5 (1 votes)

Sana'y narito ka
Sa aking tabi at kapiling ka
'Di ka ba nasasamid o 'di kaya'y nabubulunan
'Pagkat laman ka ng isipan ko

Sana'y narito ka
Mahagka't mayakap sa magdamag
'Di ka ba nadadapa o 'di kaya'y natutulala
Puyat sa kaiisip ko sa 'yo

Sana kahit papaano
Maalala mo rin ako
Kahit malayo ka sa piling ko, sinta
Ang pag-ibig ko ay 'di mag-iiba

Sana'y narito ka
At damhin mo ang tibok ng puso ko
'Di ka ba mabibigla o 'di kaya'y matatawa
Sa sasabihin ng damdamin ko

Sana kahit papaano
Maalala mo rin ako
Kahit malayo ka sa piling ko, sinta
Ang pag-ibig ko ay 'di mag-iiba

Sana'y narito ka't kapiling ka
Song Trivia
A story of a long-distance love, hoping that it will be heard and acknowledged. And a promise that distance will not be a hindrance to that true love.

- Emil Pama
Comments
blog comments powered by Disqus
Download MP3
Related Lyrics
Page Views: 2,322