Home
“Sayang Naman” by Nina
Album Smile [2003]
Words By Emil Pama
Music By Emil Pama
Ave. Rating: 0 (0 votes)

INTRO


'Di ko malimutan
Ang mga sumpa sa akin na 'di iiwan
Ako ay nagtiwala at sa 'yo ay naniwala
Na ako lamang ang nasa buhay mo


Tandang-tanda ko pa
Nang sabihin mo sa akin na ayaw mo na
Ang mundo ko ay gumuho at ang luha'y biglang tumulo
Ang mga pangarap ko'y naglaho


REFRAIN
Ano pa ba ang aking magagawa
Siguro nga'y hindi tayo para sa isa't isa, ooh


CHORUS
Sayang naman ang pag-ibig na ibinuhos ko sa 'yo
Sayang naman ang mga panahon na ginugol ko sa 'yo
Kung mababalik ko lang ang ating nakaraan
'Di na sana dadating sa ganitong kalagayan


Oh woh


'Di ko matandaan
Kung ano ang huli nating pag-aalitan
Saan ba ako nagkulang, ano ba ang kasalanan
At ikaw ay biglang lumisan


REFRAIN
Ano pa ba ang aking magagawa
Siguro nga'y hindi tayo para sa isa't isa


CHORUS
(Sayang naman ang pag-ibig na ibinuhos ko sa 'yo) Ahh ahh
(Sayang naman ang mga panahon) Na ginugol ko sa 'yo
Kung mababalik ko lang ang ating nakaraan
'Di na sana dadating sa ganitong kalagayan


(Ahh ahh ahh)


Kung mababalik ko lang ang ating nakaraan
'Di na sana dadating sa ganitong kalagayan
Hoh ooh-hoh
Music Video
Comments
blog comments powered by Disqus
Download MP3
Related Lyrics
Page Views: 1,531