Home
“Batang-bata Ka Pa” by Sugarfree
Album Kami nAPO Muna: Tribute to APO Hiking Society [2006] / Kami nAPO Muna: Tribute to APO Hiking Society [Special Limited 2-CD Edition] [2006] / Tala-arawan [2006]
Words By Jim Paredes
Music By Jim Paredes
Ave. Rating: 0 (0 votes)

INTRO


Batang-bata ka pa at marami ka pang
Kailangang malaman at intindihin sa mundo
'Yan ang totoo

Nagkakamali ka kung akala mo na
Ang buhay ay isang mumunting paraiso lamang


Batang-bata ka lang at akala mo na
Na alam mo na ang lahat ng kailangan mong malaman
Buhay ay 'di ganyan

Tanggapin mo na lang ang katotohanan
Na ikaw ay isang musmos lang na wala pang alam
Makinig ka na lang, makinig ka na lang


CHORUS 1
Ganyan talaga ang buhay lagi kang nasasabihan
'Pagkat ikaw ay bata at wala pang nalalaman
Makinig ka sa 'king payo 'pagkat musmos ka lamang
Malaman nang maaga ang wasto sa kamalian


Batang-bata ako, nalalaman ko 'to
Inaamin ko rin na kulang ang aking nalalaman
At nauunawaan

Ngunit kahit ganyan ang kinalalagyan
Alam ko na may karapatan ang bawat nilalang
Kahit bata pa man, kahit bata pa man


CHORUS 2
Nais ko sanang malaman ang mali sa katotohanan
Sariling pagraranas ang aking pamamagitan
Imulat ang isipan sa mga kulay ng buhay
Maging tunay na malaya sa katangi-tanging bata


Ahh hah...
Ohh hoh...
Ohh hoh...


Batang-bata ka pa at marami ka pang kailangang malaman at intindihin sa mundo
(Nais ko sanang malaman ang mali sa katotohanan)
Batang-bata ka lang at akala mo na na alam mo na ang lahat ng kailangang malaman
(Nais ko sanang malaman ang mali sa katotohanan)
Nagkakamali ka kung akala mo na ang buhay ay isang mumunting paraiso lamang
(Nais ko sanang malaman ang mali sa katotohanan)
Nagkakamali ka kung akala mo na ang buhay ay isang mumunting paraiso lamang
(Sariling pagraranas)


Batang-bata ka pa [8x]
Batang-bata ka pa (la la la...) [4x till fade]
Comments
blog comments powered by Disqus
Related Lyrics
Page Views: 1,968