Home
“Mamang Driver” by Sugarfree
Album Mornings and Airports [2009]
Ave. Rating: 0 (0 votes)

INTRO


Mamang driver, matagal ko nang gustong sabihin
Mamang driver, pinagpapalit mo ang red at green
Sa stoplight na binabayaran ng aking buwis
Para 'di na ako mainis, mainis sa daan


Sandali lang, may paalala po ako
Tandaan mo sa tuwing ika'y magmamaneho
'Di ka naman hinahabol ng demonyo at 'di nasusunog ang puwit mo
'Wag kang magmadali baka ang buhay ko'y mapadali


CHORUS
Kung matuto tayong magbigayan
Ay gagaan ang ating mga daan
Minsan ay okey lang maging steady
Dahil ang buhay ay 'di nadadaan sa pagmamadali
Sa pagmamadali


INTERLUDE


Mamang driver, isipin mo na lang ang ibang tao
Karamihan sa kanila ay pamilyado
Hari ng harurot, hoy, wala ka sa karera
Buhay nila'y nasa 'yong mga kamay
'Wag kang magmadali baka ang buhay ko'y mapadali


CHORUS
Kung matuto tayong magbigayan
Ay gagaan ang ating mga daan, oh
Minsan ay okey lang maging steady
Dahil ang buhay ay 'di nadadaan sa pagmamadali
Sa pagmamadali, sa pagmamadali


BRIDGE
'Di ka mauubusan ng daan
'Di naman sa daan-daang daan
Masyado nang maraming pusong nasasagasaan


AD LIB


CHORUS

Kung matuto tayong magbigayan
Ay gagaan ang ating mga daan bale
Minsan ay okey lang maging steady
Dahil ang buhay ay 'di madadaan sa pagmamadali
Sa pagmamadali [5x]
Comments
blog comments powered by Disqus
Related Lyrics
Page Views: 281