Home
“Dinggin” by Davey Langit
Album Pinoy Dream Academy Originals Vol. II [2006]
Words By Davey Langit
Music By Davey Langit
Ave. Rating: 5 (1 votes)

Kahit saan mapunta, ikaw ang nakikita
At sa aking paggising, ika'y naaalala
Bakit ganito, ikaw na lang lagi
Ang laman ng aking isip

Ilang beses na bang pinilit kang limutin
O, walang magawa; ako'y bihag mo pa rin
Bakit ganito, hindi na makatakas
Sa rehas ng 'yong pusong ubod ng lakas

Pakiusap ko sa 'yo, ako ay dinggin
Ngayong alam ko nang 'di mo na 'ko mamahalin
Ako'y iyong palayain at 'wag nang bibihagin
Ngunit bakit ganito, ika'y mahal pa rin

Sa iyong mga ngiti, ako pa rin nabibighani
Ang iyong magandang tinig tulad pa rin ng dati
'Di ba't nagkasundo magkaibigan na lang tayo
Ngunit damdamin ko 'di mapilit na mabago

Pakiusap ko sa 'yo, ako ay dinggin
Ngayong alam ko nang 'di mo na 'ko mamahalin
Ako'y iyong palayain at 'wag nang bibihagin
Ngunit bakit ganito, ika'y mahal pa rin

'Di ko alam ang aking gagawin
Ngayong wala ka na sa aking piling
Ngunit walang magagawa; pag-ibig mo ang susi
Sa pagkabihag kong ito, ano ang gagawin ko

Pakiusap ko sa 'yo, ako ay dinggin
Ngayong alam ko nang 'di mo na 'ko mamahalin
Ako'y iyong palayain at 'wag nang bibihagin
Ngunit bakit ganito, bakit ganito

Pakiusap ko sa 'yo, ako ay dinggin
Ngayong alam ko nang 'di mo na 'ko mamahalin
Ako'y iyong palayain at 'wag nang bibihagin
Ngunit bakit ganito, ika'y mahal pa rin
Comments
blog comments powered by Disqus
Download MP3
Related Lyrics
More lyrics by Davey Langit:
Page Views: 444