Home
“Sikat Ako” by Davey Langit
Album Pinoy Dream Academy Originals Vol. IV [2006]
Words By Davey Langit
Music By Davey Langit
Ave. Rating: 0 (0 votes)

Nakikita ko na ang mukha ko diyan sa t-shirt mo
Nakikita ko na ang litrato ko diyan sa kuwarto mo
Pati ang nanay mong tumitili kapag nakita na ako
At ang tatay mong kinakanta ito

Nakikita ko na ang billboard ko sa EDSA
Pati ang guesting ko kay Kris Aquino at kay Boy Abunda
Nakikita ko na ring lumalapit sa 'kin si Heart Evangelista
Iiwan niya raw ang Panday para ako ay makasama

Malapit na
Maghintay ka lamang, o sinta
Malapit na akong sumikat, ah
Malapit na (malapit na)
Maghintay ka lamang, o sinta
Malapit na akong sumikat, ah

Ang mga text at tawag ko na ayaw mong sagutin
Ang mga rosas at tsokolateng alay na ayaw mong tanggapin
Nasasayangan talaga ako; binigay ko na lang sana kay Nikki Gil
Ngayon ay inggit ka na sa sweet naming love team dahil

Malapit na
Maghintay ka lamang, o sinta
Malapit na akong sumikat, ah

Hanggang kailan ba ganito
Mananaginip na lang ba tayo
O gigising na
Gigising na ba ako

Nakikita ko na ang kisame ng kwarto ko
Naririnig ko na'ng nagsisigawan ang mga kapit-bahay ko
Kay rami ko pang mga labahin at ulam na lulutuin
Sing-dami ng pangarap ko (sing-dami ng pangarap ko) na dapat ko nang harapin

Malapit na
Maghintay ka lamang, o sinta
Malapit na akong sumikat, ah
Malapit na (malapit na)
Maghintay ka lamang, o sinta
Malapit na akong sumikat, ah

Malapit na
Malapit na
Malapit na
Comments
blog comments powered by Disqus
Download MP3
Related Lyrics
More lyrics by Davey Langit:
Page Views: 1,330