Home
“Sana Dalawa ang Puso Ko” by Janno Gibbs
Album Seven [2004]
Words By Bodjie Dasig
Music By Bodjie Dasig
Ave. Rating: 0 (0 votes)

INTRO


Parang kailan lang
Buhay ko'y walang gulo
May minamahal
At minamahal ako

Nang makilala ka
Buhay ko'y biglang nagbago
Ako'y nagtataka
Puso ko'y litung-lito


REFRAIN
Bakit nga kaya iisa ang puso natin
Hindi naman natin maaring hatiin


CHORUS
Sana dalawa ang puso ko
Hindi na sana nalilito kung sino sa inyo
Sana dalawa ang puso ko
Hindi na sana kailangan pang pumili sa inyo


Para bang tukso
Na 'di ko kayang matalo
Isip ko'y lito
Walang mapili sa inyo

Sabi nga nila
'Di maaring magpantay
Pag-ibig sa dal'wa
Kaya tanong ko lagi ay


[Repeat REFRAIN]
[Repeat CHORUS]



BRIDGE
Ngunit kung isa sa inyo'y mawala
'Di makakaya ang hirap na madarama
Kahit alam ko na darating din ang araw
Na pipili ako kung siya na nga o kung ikaw


[Repeat CHORUS on the background twice]
Sana dalawa ang puso ko
Hindi na kailangang pumili pa sa inyo
Oh, sana
Oh
Sana
Hindi na kailangang pumili pa sa inyo
Hooh


Sana
Hoh, sana
Hoh, sana dalawa ang puso ko
Mmm
Comments
blog comments powered by Disqus
Download MP3
Related Lyrics
Page Views: 1,396