Home
“Akin Ka na Lang” by Itchyworms
Album Noontime Show [2005]
Words By Jazz Nicolas
Music By Jazz Nicolas
Ave. Rating: 0 (0 votes)

'Wag kang maniwala d'yan, 'di ka n'ya mahal talaga
Sayang lang ang buhay mo kung mapupunta ka lang sa kanya
Iiwanan ka lang n'yan, mag-ingat ka
Dagdag ka lamang sa milyun-milyong babae n'ya

Akin ka na lang (akin ka na lang)
Iingatan ko ang puso mo
Akin ka na lang (akin ka na lang)
At wala nang hihigit pa sa 'yo

'Di naman ako bolero katulad ng ibang tao
Ang totoo'y 'pag nand'yan ka, medyo nabubulol pa nga ako
Malangis lang ang dila n'ya, 'wag kang madala
Dahan-dahan ka lang, baka pati ika'y mabiktima
Huwag naman sana

Akin ka na lang (akin ka na lang)
Iingatan ko ang puso mo
Akin ka na lang (akin ka na lang)
At wala nang hihigit pa sa 'yo

'Di naman sa sinisiraan ko ang pangit na 'yan
Huwag ka dapat sa 'kin magduda, hinding-hindi kita pababayaan

Akin ka na lang (akin ka na lang)
Liligaya ka sa pag-ibig ko
Akin ka na lang (akin ka na lang)
At wala nang hihigit pa sa 'yo

Wala nang hihigit pa sa 'yo (akin ka na lang)
Music Video
Comments
blog comments powered by Disqus
Download MP3
Related Lyrics
Page Views: 513