Home
“Ako'y sa 'Yo, Ika'y sa Akin” by IAXE
Album IAXE [1994]
Words By John Bunda, Jr.
Music By John Bunda, Jr.
Ave. Rating: 0 (0 votes)

INTRO
Mmm


Ikaw na ang may sabi na ako'y mahal mo rin
At sinabi mong ang pag-ibig mo'y 'di magbabago
Ngunit bakit sa tuwing ako'y lumalapit, ika'y lumalayo
Puso'y laging nasasaktan 'pag may kasama kang iba
'Di ba nila alam tayo'y nagsumpaan
Na ako'y sa 'yo at ika'y akin lamang


INTERLUDE


Kahit anong mangyari pag-ibig ko'y sa 'yo pa rin
Kahit ano pa ang sabihin nila'y ikaw pa rin ang mahal
Maghihintay ako kahit kailan
Kahit na umabot pang ako'y nasa langit na
At kung 'di ka makita, makikiusap kay Bathala
Na ika'y hanapin at sabihin
Ipaalala sa iyo ang nakalimutang sumpaan
Na ako'y sa 'yo at ika'y akin lamang


AD LIB


Oh, umasa kang maghihintay ako kahit kailan
Kahit na umabot pang ako'y nasa langit na
At kung 'di ka makita, makikiusap kay Bathala
Na ika'y hanapin at sabihin
Ipaalala sa iyo ang nakalimutang sumpaan
Na ako'y sa 'yo at ika'y akin lamang
Comments
blog comments powered by Disqus
Related Lyrics
More lyrics by IAXE:
Page Views: 459