Home
“Handog” by Florante
Words By Florante
Music By Florante
Ave. Rating: 5 (1 votes)

INTRO


Parang kailan lang, ang mga pangarap ko'y kay hirap abutin
Dahil sa inyo, napunta ako sa aking nais marating
Nais ko kayong pasalamatan kahit man lamang isang awitin


Parang kailan lang, halos ako ay magpalimos sa lansangan
Dahil sa inyo, ang aking tiyan at ang bulsa'y nagkalaman
Kaya't itong awiting aking inaawit, nais ko'y kayo ang handugan


CHORUS
Tatanda at lilipas rin ako
Ngunit mayro'ng awiting
Iiwanan sa inyong alaala
Dahil minsan tayo'y nagkasama


Parang kailan lang, ang mga awitin ko ay ayaw pakinggan
Dahil sa inyo, narinig ang isip ko at naintindihan
Dahil dito'y ibig ko kayong ituring na matalik kong kaibigan


[Repeat CHORUS thrice]
Comments
blog comments powered by Disqus
Related Lyrics
More lyrics by Florante:
Page Views: 1,147