Home
“Alipin” by Shamrock
Album Are You Serious? [2005] / Are You Serious? [Repackaged] [2006] / Best of OPM Movie & TV Themes [2006]
Words By Sam Santos
Music By Sam Santos
Ave. Rating: 0 (0 votes)

INTRO


'Di ko man maamin
Ikaw ay mahalaga sa akin
'Di ko man maisip
Sa pagtulog, ikaw ang panaginip


REFRAIN 1
Malabo man ang aking pag-iisip
Sana'y pakinggan mo ang sigaw nitong damdamin


CHORUS 1
Ako'y alipin mo kahit hindi batid
Aaminin ko minsan ako'y manhid
Sana ay iyong naririnig
Sa 'yong yakap, ako'y nasasabik


INTERLUDE


Ayoko sa iba
Sa 'yo ako ay hindi magsasawa
Ano man ang 'yong sabihin
Umasa ka ito ay diringgin


REFRAIN 2
Madalas man na parang aso at pusa
Giliw, sa piling mo ako ay masaya


[Repeat CHORUS 1]


AD LIB


BRIDGE
Pilit mang abutin ang mga tala
Basta't sa akin, 'wag kang mawawala


[Repeat CHORUS 1]


CHORUS 2
'Pagkat ikaw lang ang nais makatabi
Malamig man o mainit ang gabi
Nais ko sana iparating
Na ikaw lamang ang siyang aking iibigin
Comments
blog comments powered by Disqus
Related Lyrics
Page Views: 292