Home
“Yakap sa Dilim” by Orange and Lemons
Album Kami nAPO Muna: Tribute to APO Hiking Society [2006] / Kami nAPO Muna: Tribute to APO Hiking Society [Special Limited 2-CD Edition] [2006]
Words By Jim Paredes
Music By Jim Paredes
Ave. Rating: 0 (0 votes)

Sandal mo sana ang ulo mo sa unan
Katawan mo ay aking kukumutan
Mga problema'y iyong malilimutan
Habang tayo'y magkayakap sa dilim

Huwag mong pigilin kung nais mapaluha
Pakiramdam mo sana'y guminhawa
Kung gusto mo ay magsigarilyo muna
Bago tayo magkayakap sa dilim

Heto na ang pinakahihintay natin
Heto na tayo, magkayakap sa dilim
O kay sarap ng mga nakaw na sandali
Habang tayo'y magkayakap sa dilim

Habang tayo'y magkayakap sa dilim

Heto na ang pinakahihintay natin
O heto na tayo, magkayakap sa dilim
O kay sarap ng mga nakaw na sandali
Habang tayo'y magkayakap sa dilim

Halika na at sumiping na sa kama
Lasapin natin, sarap ng pagsasama
Sa 'ting pag-ibig, tayo ay umasa
Habang tayo'y magkayakap (yakap) sa dilim
Music Video
Comments
blog comments powered by Disqus
Download MP3
Related Lyrics
Page Views: 1,320