Home
“Hindi Na” by The CompanY
Album Mahal Kong Radio [2004] / The AnthologY [2005]
Words By Edith M. Gallardo / Reuben Laurente
Music By Moy Ortiz
Ave. Rating: 0 (0 votes)

INTRO


'Di ka naaalala nitong puso kong nasaktan
'Pag umaaraw na lang at lalo kung umuulan
'Di na ako naghihintay, 'di na kita naiisip
Naroon ka na lang sa aking panaginip


'Di ka binabanggit kahit na kanino man
Iisa lang ang sinasabi ko, minahal kitang minsan
'Di na kita napapansin, ni minsan 'di natandaan
Maliban pagsikat ng araw at paglitaw ng buwan


CHORUS
Hindi na, hindi na, hindi na nga
Sa puso ko'y kay bilis mong nawala
'Di na kita hinahanap, 'di tulad ng dati
Hindi na, hindi na, minsan na lang 'pag araw at gabi


(Hindi na)
(Hindi na)


'Di na pangarap pa sana ay mahalin mong muli
Paminsan-minsan na lang, baka lang naman sakali
'Di na ako nalulungkot 'pag 'di kita nakikita
Naisip kong ikaw ay laging maligaya


[Repeat CHORUS twice]
Music Video
Comments
blog comments powered by Disqus
Download MP3
Related Lyrics
Page Views: 3,256