Home
“Nena” by Banyuhay ni Heber
Words By Heber Bartolome
Music By Heber Bartolome
Ave. Rating: 3.75 (4 votes)

Noong kumakanta pa ako sa Olongapo
Ay mayroong isang babae do'n na nagtatrabaho sa isang nightclub
Na nakapagkwento sa 'kin tungkol sa kanyang buhay
Kung bakit daw n'ya pinasok 'yong gano'ng klaseng trabaho
Ang lunkot no'ng kwento, eh
Para bang 'yung mga nababasa natin sa komiks
Napaiyak pa nga s'ya, eh
'Di n'ya alam, ginawa ko s'ya ng isang kanta
At kung naririnig n'ya 'ko ngayon, ito'y para sa kanya...


Ang nanay n'ya'y naglalaba, ang tatay n'ya'y pagod
Galing sa trabaho, wala pang tulog
Si Nena'y nagbabasa, nag-aaral pa
Nag-iisang anak ng kanyang ama't ina
Tanging pag-asa ng kanyang ama't ina

Ang nanay niya'y umiiyak, ang tatay niya'y patay
Naipit ng makina doon sa pabrika
Sinikap ng kanyang nanay na sila ay mabuhay
Sa paglalaba ay tumulong siya
Si Nena'y natigil sa pag-aaral niya

Lumaki si Nena, 'di nakapag-aral
'Di natitiyak kung ano ang bukas
O, kayhirap ng buhay na kanyang dinanas
Ang tanong niya'y, "Kailan ito magwawakas?"

Ang nanay niya'y nakahiga, mata'y nakapikit
Sa labis na trabaho, ito'y nagkasakit
Si Nena'y nababalisa, kailangan niya'y pera
Walang mauutangan, saan kukuha
Kailangan ay pera, saan s'ya kukuha

Lumaki si Nena, kaakbay ay hirap
'Di natitiyak kung ano ang bukas
O, kayhirap ng buhay na kanyang dinanas
Ang tanong niya'y, "Saan ito magwawakas?"

Bago dumilim, si Nena'y umaalis
Laging naka-make-up, maiksi ang damit
Ang itsura niya ay kaakit-akit
Bukas na ng umaga ang kanyang balik
Ayaw ni Nena ngunit s'ya'y nagigipit

O, hmm
Nena, Nena
Hmm
Tulad ni Nena, marami pang iba
Kahit saan, maraming Nena
Comments
blog comments powered by Disqus
Related Lyrics
Page Views: 2,202