Home
“Kapangyarihan ng Pag-ibig” by Aicelle Santos
Album Kapangyarihan ng Pag-ibig [Single] [2015]
Words By Jungee Marcelo
Music By Jungee Marcelo
Ave. Rating: 1 (1 votes)

Hah-hah-hah

Atras-abante, hindi ko maintindihan
Minsan kampante, bigla na lang mawi-windang
Paulit-ulit lang buong maghapon para lang nakakahon
Pawang natapon, naubos na ng panahon

At nang tinawag mo, inawat mo ang ikot ng mundo
Niyakap mo't binago ang pulso

Hindi mapipigilan ng daluyong
Hindi mababagabag ng dagundong
Sa bisa ng kapangyarihan ng pag-ibig mo
Hoh-hoh-hoh

Sobrang salamat sa dulot mong pagmamahal
Siyang nararapat sa puso kong napapagal
Lahat ay kakayanin kong daanan, kayang-kayang lampasan
Walang hangganan, ngayon at magpakailanman

'Pagkat tinawag mo, inawat mo ang ikot ng mundo
Niyakap mo't binago ang pulso

Hindi matatawaran ang pangarap
Hindi mababawasan ang lagablab
Sa bisa ng kapangyarihan ng pag-ibig mo
Hoh-hoh-hoh

'Di ko kaya 'pag wala ka, huwag na
Sa piling mo ay may pag-asa
Sa piling mo, walang iba

Hindi mapipigilan ng daluyong
Hindi mababagabag ng dagundong
Sa bisa ng kapangyarihan ng pag-ibig mo
Hoh-hoh-hoh

Hindi matatawaran ang pangarap
Hindi mababawasan ang lagablab
Sa bisa ng kapangyarihan ng pag-ibig mo
Hoh-hoh-hoh

Hoh-hoh-hoh
Hoh-hoh-hoh

Sobrang salamat sa dulot mong pagmamahal
Music Video
Comments
blog comments powered by Disqus
Download MP3
Related Lyrics
More lyrics by Aicelle Santos:
Page Views: 11,692