Home
“Langit” by Ron Henley feat. Bea Valera
Album Wala Pang Titulo [EP] [2013]
Ave. Rating: 0 (0 votes)

Narinig ko na naman ang pangalan mo
Kapag gan'to kadilim ang araw ko, ang liwanag mo ang kailangan ko
Para makita ko ang nilalakaran ko
Patungo sa puso mo kung sa'n nais kong maging tambayan ko

Sabi nila, langit ka, lupa lang ako
Kita ko ang sinag ng araw sa mga mata mo
Ngayong gabi sa mga bituin makikisabay ako
Baka sakaling pagbalik nila sa langit mapalapit sa 'yo

Kaysarap tingnan ng langit kahit nakakangawit na (ngawit na)
Buti nand'yan ka, isang ngiti mo lang ay langit na (langit na, langit na)

Ikaw ang bahaghari pagkatapos ng malakas na ulan
Habang ako'y nakahiga, ikaw ang tanawin mula sa may damuhan
Ang iyong buhok ay kakulay ng kalangitang may papalubog na araw
Ako ay dahan-dahang nahuhulog na parang bulalakaw

Sabi nila, langit ka, lupa lang ako
Kumbaga hinalo mo yung kanal sa pabango
Ngayong gabi sa mga bituin makikisabay ako
Baka sakaling pagbalik nila sa langit mapalapit sa 'yo

Kaysarap tingnan ng langit kahit nakakangawit na (ngawit na)
Buti nand'yan ka, isang ngiti mo lang ay langit na
Kaysarap tingnan ng langit kahit nakakangawit na (ngawit na)
Buti nand'yan ka, isang tingin mo lang ay langit na

Ang bingi nakarinig; ang bulag nakakita muli
Ang pilay ay nakalakad; ang pipi nakapagsalita; baluktot naging tuwid
Ang pag-ibig 'pag inisip ito ay nasa puso
'Pag pinuso nasa isip, masisira lang ang ulo

Sabi nila, langit ka, lupa lang ako
Wala daw akong ka-pag-asa, pag-asa sa 'yo
Ngayong gabi sa mga bituin makikisabay ako
Baka sakaling pagbalik nila sa langit mapalapit sa 'yo

Kaysarap tingnan ng langit kahit nakakangawit na (ngawit na)
Buti nand'yan ka, isang ngiti mo lang ay langit na
Kaysarap tingnan ng langit kahit nakakangawit na (ngawit na)
Buti nand'yan ka, isang tingin mo lang ay langit na

Naiwan ng tren, punuan ang jeep
Laging nahuhulog sa sinasakyang trip
Tumirik sa bahala, laging pinapahinto
Kaharap ko lagi ay saradong pinto

Basang-basa ng ulan, walang payong
Masungit ata ang tadhana sa 'king maghapon
Laging nasa hulihan ng pila
Payuko na sana tapos bigla kang nagpakita

Buti na lang nand'yan ka
Buti na lang, buti na lang nand'yan ka, sinta
Buti na lang nand'yan ka
Buti na lang, buti na lang nand'yan ka, sinta

Kaysarap tingnan ng langit
(Oh-woh-oh)
(Oh-woh, oh-woh-oh)
(Oh-woh, oh-woh-oh)
Kaysarap tingnan ng langit
(Oh-woh-oh)
(Oh-woh, oh-woh-oh)
(Oh-woh, oh-woh-oh)
Music Video
Comments
blog comments powered by Disqus
Download MP3
Related Lyrics
More lyrics by Ron Henley:
Page Views: 1,203