Home
“Sa Iyong Paglayo” by Kyla
Album Kyla [2002]
Words By Arnie Mendaros
Music By Arnie Mendaros
Ave. Rating: 0 (0 votes)

Mmm

Ako ba'y may pagkukulang pa
At ako ngayo'y nag-iisa
Hindi man lang naramdaman
Na ika'y sadyang lumisan na

Puso'y nagdaramdam
At 'di alam ang 'yong paalam
At nagawa mo pang saktan
Ang pusong walang alam

Isipan ko'y laging nalilito
Ang buhay ko ay laging kaygulo
Sana muli ang lungkot ay maglaho
Upang maalis ang naiwang pait dulot

Ng iyong paglayo
Sana'y malaman mo, labis ang lungkot ko
Sa iyong paglayo
Kaydilim ng paligid, sakit sa dibdib
Bakit hindi mapawi dulot ng iyong paglayo

Maghilom man ang sugat
Hindi rin magtatagal
Alaala ng pag-ibig mo
Sumasagi lagi't panaginip

Isipan ko'y laging nalilito
Ang buhay ko ay laging kaygulo
Sana muli ang lungkot ay maglaho
Nang 'di maalis ang naiwang pait

Ng iyong paglayo
Sana'y malaman mo, labis ang lungkot ko
Sa iyong paglayo
Kaydilim ng paligid, kaysakit sa dibdib
Bakit hindi mapawi dulot ng iyong paglayo

Dulot ng iyong paglayo
Mmm
Comments
blog comments powered by Disqus
Download MP3
Related Lyrics
Page Views: 451