Home
“Fed Up” by Talata
Album Talata [EP] [2014]
Ave. Rating: 2.75 (4 votes)

'Wag nang paulit-ulit pang tanungin
Siguradong sagot ko'y 'di mo makakayanan
Iba sa gustong marinig, 'di ka naman sanay na lumuha
Abot-langit ang tuwa 'pag ikaw ang nagdusa

Handa ka na ba
Handa ka na ba

Napagod, nagsawa, nanlamig
Nabigay na'ng lahat
Ubos na ang pag-ibig sa 'yo, sa 'yo

Tanong mo'y bakit ngayon pa nangyari 'to
Pasensya na, dapat noon pa nasabi sa 'yo
Sinubukan kong hanapin
Kung may natitirang damdamin

Wala na pala
Wala na pala

Napagod, nagsawa, nanlamig
Nabigay na'ng lahat
Ubos na ang pag-ibig sa 'yo, sa 'yo

Napagod, nagsawa, nanlamig
Nabigay na'ng lahat
Ubos na ang pag-ibig

Napagod, nagsawa, nanlamig
Nabigay na'ng lahat
Ubos na ang pag-ibig sa 'yo, sa 'yo
Music Video
Comments
blog comments powered by Disqus
Related Lyrics
More lyrics by Talata:
Page Views: 6,295