Home
“Tulad Mo” by Julie Anne San Jose
Album Deeper [2014]
Words By Julie Anne San Jose
Music By Julie Anne San Jose
Ave. Rating: 4.5 (2 votes)

Hoh
Hohh
Yeah

Itong tula't kantang aking nais iparating
Heto ang makatang bibo na malinis ang hangarin
Pakinggan ang mga lirikong aking sasambitin
Buhay ng batang nangangarap makamit ang mithiin

Sa mundong ibabaw, mga tao ay iba-iba
Simula't sapul, musmos na isip ay 'di alintana
Ang biyayang binigay sa kanya ng Panginoon
Sa kanyang palad, palagi mga dasal ay may tugon

Tila ba sa bawat pag-awit, nagmumula sa puso
Ngiti sa mga labi, pagtapak ng entablado
Mga taong binubulong, sinisigaw kanyang pangalan
Lubos ang ligaya sa musikang nilalaan

Ngunit sa kabila ng kanyang tinatahak na landas
Para bang may kapalit at magulo ang dinaranas
Dating buhay, ang simpleng pamumuhay
Kung 'di lang sa pangarap na nagbibigay na kulay

Parang ihip lang ng hangin ang panahon
Maraming tatahakin sa bawat yugto
Tanong sa sarili kung titigil ba o tatakbo
Tao lang naman ako na tulad mo

Hohh, yeah-yeah-yeah

Kay sarap isipin ang pangarap na tinatamasa
Parang panaginip ang lahat, ika'y sagana
Ngunit hindi kayang iwasan ang mapanghusga
Na para bang tuwang-tuwa kapag ika'y nadarapa

At minsan, tinamaan nga naman ni Kupido
Para bang nasa langit subalit naging komplikado
Iniwang nakalutang at tuluyang nag-iisa
Paulit-ulit ang tanong, sino ba ang nagkasala

Nagtiwala, kasalanan ba'ng damdamin ay tapat
'Yon ang akala, ako pala'y hindi pa rin sapat
Damang-dama, mga sugat mahirap mawala
Hanggang sa pumatak na lang ang mga luha sa lupa

Na tila ba nabubulagan, bakas ng nakaraan
Na 'di na dapat balikan sa laki ng kamalian
Tuloy ang buhay at pangarap sa bawat segundo
Tao lang naman ako at dakilang macho

Parang ihip lang ng hangin ang panahon
Maraming tatahakin sa bawat yugto
Tanong sa sarili kung titigil ba o tatakbo
Tao lang naman ako na tulad mo, hohh

Parang ihip lang ng hangin ang panahon
Maraming tatahakin sa bawat yugto
Tanong sa sarili kung titigil ba o tatakbo
Tao lang naman ako na tulad mo

Parang ihip lang ng hangin ang panahon
Maraming tatahakin sa bawat yugto
Tanong sa sarili kung titigil ba o tatakbo
Tao lang naman ako (tao lang ako) na tulad mo

Na tulad mo
Na tulad mo
Na tulad mo
Music Video
Comments
blog comments powered by Disqus
Download MP3
Related Lyrics
Page Views: 489