Home
“Mali Pala” by Nozomi
Album Before I Reach Sixteen [2012]
Words By Elisette C. Blancaflor / Vehnee A. Saturno
Music By Vehnee A. Saturno
Ave. Rating: 3.15 (13 votes)

Nang makilala kita, alam ko na ikaw ang
Nais makita ng aking mga mata
At dahil nga may pagtingin ka
Bakit ba hindi ako makapaniwala

Pagkatapos ng ilang buwan na pagsasama
Hindi namalayan na maglalaho ka

Gusto kong pigilan ang sakit
Ngunit malala na pala; wala na 'kong magagawa
Sayang, kay ganda ng simula
Akala ko'y hindi ka na mag-iiba, mali pala

Hindi ba't ikaw ang nagsabi ng habang-buhay
Nasa'n na ang sinabi mong ibibigay
Umasa nang matagal at laging naghihintay
Ngayon hindi ka na maabot ng aking kamay

Pagkatapos ng ilang buwan na pagsasama
Hindi namalayan na maglalaho ka

Gusto kong pigilan ang sakit
Ngunit malala na pala; wala na 'kong magagawa
Sayang, kay ganda ng simula
Akala ko'y hindi ka na mag-iiba, mali pala

Oh sayang, kay ganda ng simula
Akala ko'y hindi ka na mag-iiba, mali pala
Hoh, mali pala
Music Video
Comments
blog comments powered by Disqus
Related Lyrics
More lyrics by Nozomi:
Page Views: 1,080