Home
“Kahit Walang Sabihin” by Rico Blanco
Album Imortal [Soundtrack] [2011]
Ave. Rating: 0 (0 votes)

Muling kakagat
Ang hating-gabi
Magigising
Ang panaginip

Bawat mithing naidlip
Dagliang babangon

Kahit walang sabihin
Maririnig ang damdamin
Naghihimagsik
Na dugo at laman
Sa ilalim ng buwan

Muling haplusin
Apoy ng katawan
Marahang ipikit
Ang iyong kamalayan

Bawat patak ng dugo
Muling aalon

Kahit walang aminin
Madarama sa hangin
Ang tibok ng pusong
May pag-ibig na
Higit sa walang hanggan

Kahit walang sabihin
Maririnig ang damdamin
Naghihimagsik
Na dugo at laman
Sa ilalim ng buwan

Kahit walang aminin
Madarama sa hangin
Ang tibok ng puso
At pag-ibig na
Higit sa walang hanggan

Hanggan
Naghihimagsik
Na dugo at laman
Sa ilalim ng buwan
Music Video
Comments
blog comments powered by Disqus
Download MP3
Related Lyrics
Page Views: 503