Home
“Medley (Ikaw ang Lahat sa Akin/Narito)” by Erik Santos
Album This Is the Moment [2004]
Words By Cecile Azarcon Inocentes / Maya Meriales Manzanas / Gary Valenciano
Music By Cecile Azarcon Inocentes / Maya Meriales Manzanas / Gary Valenciano
Ave. Rating: 5 (1 votes)

INTRO


Ikaw ang lahat sa akin
Kahit ika'y wala sa aking piling
Isang magandang alaala
Isang kahapong lagi kong kasama


Ikaw ang lahat sa akin
Kahit ika'y 'di ko dapat ibigin
Dapat ba kitang limutin
Pa'no mapipigil ang isang damdamin
Kung ang sinisigaw ikaw ang lahat sa akin


CHORUS
At kung hindi ngayon ang panahon
Upang ikaw ay mahalin
Bukas na walang hanggan
Doo'y maghihintay pa rin


Hooh


Narito ang puso ko
Inaalay lamang sa 'yo
Aking pangarap kahit saglit
Ang ikaw at ako'y magkapiling


Minsan pang makita ka
Damdamin ay sumasaya
Lungkot napapawi buhay ko'y ngingiti
Sa sandaling pag-ibig mo'y makamit


CHORUS
Puso ko'y narito
Naghihintay sa pag-ibig mo
Ikaw lamang ang inaasam
Tanggapin mo ang puso ko


BRIDGE
Hanggang matapos ang kailanman
Kahit 'di malaman o maintindihan
Kahit na masugatan ang puso
Naghihintay sa 'yo maghihintay ako


CHORUS
Kung hindi ngayon ang panahon
Upang ikaw ay mahalin
Bukas na walang hanggan
Ako'y maghihintay pa rin


CODA
Narito maghihintay pa rin
Comments
blog comments powered by Disqus
Download MP3
Related Lyrics
Page Views: 277