Home
“Tayo'y mga Pinoy” by Aegis
Album Ating Balikan [2002]
Words By Heber Bartolome
Music By Heber Bartolome
Ave. Rating: 1 (1 votes)

CHORUS 1
Tayo'y mga Pinoy
Tayo'y hindi 'Kano
Huwag kang mahihiya
Kung ang ilong mo ay pango


Dito sa silangan
Ako'y isinilang
Kung saan nagmumula
Ang sikat ng araw


Ako ay may sariling
Kulay kayumanggi
Ngunit 'di ko maipakita
Tunay na sarili


Kung ating hahanapin
Ay matatagpuan
Tayo ay may kakayahang
Dapat na hangaan


Subalit nasaan
Ang sikat ng araw
Ba't tayo ang humahanga
Doon sa kanluran


RFERAIN
Bakit kaya tayo ay ganito
Bakit nanggagaya, meron naman tayo


[Repeat CHORUS 1]
[Repeat 1st & 4th stanzas]
[Repeat REFRAIN]
[Repeat CHORUS 1]



CHORUS 2
Meron isang aso
Daig pa ang ulol
Siya'y ngumingiyaw
Hindi tumatahol

Katulad ng iba
Pa-ingles-ingles pa
At kung pakikinggan
Mali-mali naman
Huwag na lang


(Hoy hoy hoy hoy hoy hoy hoy)
(Hoy hoy hoy hoy hoy hoy)
(Hoy hoy hoy hoy hoy hoy hoy)
(Hoy hoy hoy hoy hoy hoy)


[Repeat CHORUS 1]
Comments
blog comments powered by Disqus