Home
“Sa Bingit ng Isang Paalam” by Sponge Cola
Album Transit [2006]
Words By Gosh Dilay
Music By Gosh Dilay
Ave. Rating: 0 (0 votes)

Sa isang tingin ko lang
Agad ko nang napupuna
Sa likod ng 'yong ngiti at kung paano ka tumitig sa 'kin
Tulad ng unang bituing iyong matatanaw
Sa nag-aambang dilim
Buong ningning pa rin kahit makain


REFRAIN 1
Kinakailangan nga bang magbuhos
Wala tayong dapat simulan
Ako'y kaharap mo't nandito ngayon
Sabihin kung naguguluhan


CHORUS
Sa isang paalam lamang ba lahat magtatapos
Sa isang saglit, lahat malilipon
'Di ko maghahayaan na walang magagawa
Ayaw kitang lumuhang nag-iisa


Pasensya na't ako'y muling nauutal
Bumabagal ang pintig
Bumibigat laman ng aking dibdib
Hayaan mong hawakan ko ang 'yong kamay
Upang mapawi ang lamig
Nang pilit pang nararamdaman


REFRAIN 2
Kailangan nating isiping lubos
Ano nga ba'ng ating dahilan
Sa'n nga ba tayo nakatuon
Kay rami nang mga nagdaan


[Repeat CHORUS]


BRIDGE
Kung meron lang ako ng pagkakataong
Sabihin sa 'yo ang lahat


AD LIB


Kaya nama'y 'di na rin magtatagal
Matatapos ang gabi't ang nagdaa'y 'di na mananatili
Sa'n nga ba tayo nakatuon
Ano nga ba'ng ating dahilan


[Repeat CHORUS]


Kung meron lang ako ng pagkakataong
Kung meron lang ako ng pagkakataong
Sabihin sa 'yo ang lahat
Comments
blog comments powered by Disqus
Related Lyrics
Page Views: 380