“May Tama Ako” by Jay-R Siaboc
Album | Pinoy Dream Academy Originals Vol. IV [2006] / Hiling [2007] |
Words By | Rickenson Calubad |
Music By | Rickenson Calubad |
Nagtanong ka pa, wala namang epekto
Labas-pasok sa tenga mo kahit ano'ng sabihin ko
'Wag na tayo magsayang pa ng laway
Sige na, mali na 'ko; ayoko lang ng away
Pero teka lang, may sasabihin sana
Kung pwede bang manahimik ka muna
Walang saysay ang sinasabi kaya hindi mo mawari
Kung iimik pa ba o mananahimik na lang
At sa t'wing magpapaliwanag
Pakinggan mo naman ito
Akala mo ikaw lang ang marunong tumama
Paminsan-minsan tama rin ako
May tama rin ako
Nagtanong ka pa, wala namang silbi
Wala ka kasing pakialam sa 'king sinasabi
Sa susunod, 'wag ka nang magtatanong
Kung may sagot ako o wala, parehas rin 'yon
Pero teka lang, may sasabihin sana
Kung pwede bang manahimik ka muna, hah

Comments