Home
“Astro” by Radioactive Sago Project
Album Before Monkey Jump, Give Him Banana [EP] [2004] / Urban Gulaman [2004] / Pinoy Blonde [Music from the Motion Picture] [2005]
Words By Francis de Veyra / Lourd de Veyra
Music By Francis de Veyra / Lourd de Veyra
Ave. Rating: 0 (0 votes)

INTRO


Para sa tunay na lalake
Para sa tunay na lalakeng hindi natatakot
Para sa tunay na lalakeng hindi natatakot tumalon sa bangin
Para sa tunay na lalakeng lumalangoy sa salamin


Suwabe at mabango
'Wag nang mag-atubili, bumili na kayo
Heto na ang totoo
Heto na ang totoo


Para sa tunay na lalakeng lumilipad at lumulutang
Para sa tunay na lalakeng nagsi-swimming sa kalawakan
Para sa tunay na lalakeng kumakanta at niroromansa ang buwan
Para sa tunay na lalakeng kumakain ng buwan


Swabe at mabango
'Wag nang mag-atubili, bumili na kayo
Heto na ang totoo
Heto na ang totoo dahil
Heto na, heto na ang
Astro, Astro cigarettes
Astro, Astro cigarettes


Pagkatapos mong kumain, mag-yosi ka
Pagkatapos mong mag-yosi, matulog ka
Mahimbing ka, managinip ka
Mangarap ka, lumipad ka


Kagabi, napanood ko sa TV ang aking paboritong artista, ang idol ko
Ang sabi n'ya sa 'kin: “Bumili ka ng Astro cigarettes”
Nagbebenta siya ng ilusyon
Nagbebenta siya ng panaginip
Nagbebenta siya ng pangako
Pangakong lumulutang na parang usok na galing sa isang malupit
At mabango at swabeng-swabe na umaapoy na Astro cigarettes


Swabe at mabango
'Wag nang mag-atubili, bumili na kayo, bumili na kayo
Heto na ang totoo
Heto na ang totoo


Isang araw sa isang palengke sa Dumaguete
Nakakita ako ng Astro cigarettes
Bumili ako ng isang pakete
Sumakay ng tricycle papunta sa buwan at nagsindi
Nagsindi, nag-relax, nag-enjoy
Hinithit ang isang buong pakete
Binuksan ang mata at nag-dancing-dancing sa ibabaw ng mga planeta


Swabe at mabango
'Wag nang mag-atubili, bumili na kayo
Heto na ang totoo
Heto na ang totoo
Heto na, heto na, heto na, heto na ang
Astro, Astro cigarettes
Astro, Astro cigarettes


Let's go


AD LIB
Shake it!


Heto na ang Astro, Astro cigarettes
Astro, Astro cigarettes [11x until fade]
Music Video
Comments
blog comments powered by Disqus
Related Lyrics
Page Views: 2,929