Home
“Pag-ibig” by Kitchie Nadal
Album Kami nAPO Muna: Tribute to APO Hiking Society [2006] / Kami nAPO Muna: Tribute to APO Hiking Society [Special Limited 2-CD Edition] [2006]
Words By Danny Javier
Music By Danny Javier
Ave. Rating: 0 (0 votes)

INTRO


No'ng tangan ng nanay ang munting mga kamay
Ika'y tuwang-tuwa, panatag ang loob
Sa damdaming ika'y mahal


No'ng makilala mo ang una mong sinta
Umapaw ang saya at siya'y ibang-iba
Sinasamsam ang bawat gunita


CHORUS 1
'Di mo malimutan kung kailan nagsimula
Natuto kung papa'no magmahal
At 'di mo malimutan kung kailan mo natikman
Ang una mong halik, yakap na napakahigpit
Pag-ibig na tunay hanggang langit


No'ng tayo'y nagkakilala nang hindi sinasadya
Ikaw lang napansin, nahuli sa isang tingin
At sa pagbati mong napakalambing


CHORUS 2
'Di mo malimutan kung kailan nagsimula
Natutong ikaw lang ang mahalin
At 'di mo malimutan kung kailan mo natikman
Ang una mong halik, yakap na napakahigpit
Pag-ibig na tunay hanggang langit


[Repeat CHORUS 1]
Comments
blog comments powered by Disqus
Related Lyrics
Page Views: 763