Home
“Beep Beep” by Juan de la Cruz Band
Album Maskara [1975] / The Best of Juan de la Cruz Band [1980] / Himig Natin [Special Collector's Edition] [1994] / Pinoy Rock [2004] / Maskara [Re-issue] [2004]
Words By Wally Gonzales / Mike Hanopol / Joey "Pepe" Smith
Music By Wally Gonzales / Mike Hanopol / Joey "Pepe" Smith
Ave. Rating: 4.5 (2 votes)

Beep beep beep beep
Sabi ng tsuper ng jeep
Beep beep beep beep
Tabi kayo't baka kayo'y maipit

Sakay na kayo
Kahit hanggang kanto
Ang buhay ng tsuper
Ay 'di gawang biro

Yeah

Beep beep beep beep
Dadalhin ko kayo kahit saan
Beep beep beep beep
Dalian n'yo, hindi pa ako nananghalian

Sakay na kayo
Kahit hanggang kanto
Ang buhay ng tsuper
Ay 'di gawang biro

Woh
Naku, hirap naman maging drayber buong hapon
Ang init pa
Hay naku, kelangan pa 'kong pumila
Para ako'y makapang-miryenda, ha ha ha

Hoy

Beep beep beep beep
Oras na ng relyebo
Beep beep beep beep beep
Naghihintay na ang pamilya ko

Sakay na kayo
Kahit hanggang kanto
Ang buhay ng tsuper
Ay 'di gawang biro

Sakay na kayo
Kahit hanggang kanto
Ang buhay ng tsuper
Ay 'di gawang biro

Sakay, sakay na kayo
Ah, kahit hanggang kanto lang
Ang buhay ng tsuper
Ay 'di gawang biro, hey
Hoy, sakay na kayo
Ngunit mag-iingat kayo
Woh hey
Hoy, hoy, hoy, hoy, hoy, hoy, hoy... [fading]
Comments
blog comments powered by Disqus
Download MP3
Related Lyrics
Page Views: 7,220