Home
“Saan Ka na Kaya Ngayon” by Anna Fegi
Album Straight Ahead [2003]
Words By Rene Garcia
Music By Dennis Garcia
Ave. Rating: 0 (0 votes)

INTRO


Hanggang ngayon walang iba
Pangalan mo'y nakaukit pa
Sa puso kong limot mo na
Hindi matanggap, mahal mo'y iba


REFRAIN 1
Masaya ka na ba sa piling niya
Sa bawat halik ba'y mas kinikilig ka
Isa pang tanong na medyo presko
Kahit minsan ba'y nasa isip mo ako


CHORUS 1
Sino na kayang kasama mo
Mas magaling ba siyang maglambing sa 'yo
Nais kong malaman
Kahit napakasakit para sa akin 'to

Wala na bang pag-asa sa iyo
Nagtatanong lang naman ako
Saan ka na kaya ngayon
Mahal pa rin kita
Saan ka na kaya ngayon


Hanggang ngayon sariwa pa
Sugat na sa aki'y dinala
At ang puso ko ay umasa
Nagtiwala, iiwan lang pala


REFRAIN 2
Sino na ba bagong biktima
Sa mga halik mo, baliw ba siya
Isa pang tanong na medyo presko
Kahit minsan ba'y hinahanap mo ako


CHORUS 2
Sino na kayang kayakap mo
Mas magaling ba siyang maglambing sa 'yo
Nais kong malaman
Kahit napakasakit para sa puso ko

Di na ba magbabago ito
Nagtatanong lang naman ako
Saan ka na kaya ngayon
Mahal pa rin kita


BRIDGE
Naghahanap ng sagot
Ano na kaya kung tayo pa rin


[Repeat CHORUS 1]
Comments
blog comments powered by Disqus
Related Lyrics
Page Views: 437