Home
“Papa Ka Ba?” by DJ Alvaro
Album Medyo Bastos [2003]
Words By DJ Alvaro
Music By DJ Alvaro
Ave. Rating: 0 (0 votes)

Naaalala mo pa ba, nang una kang makita
Tinanong agad kita, "Puwede ka bang maging papa?"
Nagulat ka sa akin at bigla kang natawa
Ano ang ibig kong sabihin, 'kaw ay nagtataka

Pinaliwanag ko sa 'yo, naunawaan mo
Inilarawan sa iyo ang laman ng puso ko
Papakainin, papaliguan
Papatulugin at papaypayan

Papakainin ka, papaliguan pa
Papatulugin at papaypayan
Papaligayahin kita

Ikaw ay sinuyo ko, sinagot mo nga ako
Nangako sa iyo, ikaw lang ang papa ko
Nangako rin sa akin ako lang ang "mama mo"
Ako lang ang "mama mo", ang "mamahalin mo"

Pangalan mo'y inukin dito sa puso ko
Pangako sa iyo ay 'di na mababago
Papakainin, papaliguan
Papatulugin at papaypayan

Papakainin ka, papaliguan pa
Papatulugin at papaypayan
Papaligayahin kita

Papakainin ka, papaliguan pa
Papatulugin at papaypayan
Papaligayahin kita

Ibinigay ko ang lahat, ang lahat ng gusto mo
Ngunit biglang nagbago at ako'y iniwan mo, hoh

'Pagkat inubos mo ang lahat ng pera ko
'Pagkat binutas mo magkabila ang bulsa ko
May iba ka nang mama at sumama sa kanya
Agahan, tanghalian, hapunan ko'y iyak

Pangalan mong inukit dito sa puso ko
Tinakpan ko ng liquid paper pati pangako kong
Papakainin ka, papaliguan pa
Papatulugin at papaypayan

Papaluhain mo lamang pala ako
Papasakitan at paiiyakin
Papalitan na kita

Papaluhain mo lamang pala ako
Papasakitan at paiiyakin
Papalitan na kita

Papasakitan at paiiyakin
Papalitan na kita
Papalitan na kita
Papatayin na kita
Music Video
Comments
blog comments powered by Disqus
Related Lyrics
Page Views: 5,410