Home
“Hangin, Ulan, Araw at Lupa” by Dessa
Words By Linda Padlan
Music By Jun Lacanienta
Ave. Rating: 3.72 (43 votes)

Ugnayan ng kalikasan, kinapal ni Bathala
Pugad ng kanyang pagtatangi sa sang-nilikha
Unti-unting winawasak, unti-unting sinisira
Ng ating kawalan ng puso't pagkalinga

Lason sa hangin, tayo rin ang kikitlin
Ulan na naging baha, tayo ay lulunurin
Ang tindi ng araw, tayo ay susunugin
Tigang na lupa, tayo rin ang gugutumin

Ang masayang ugnayan ng ating kalikasan
Sige, sirain mo't ikaw rin ang babalikan

Hangin, ang simoy ng buhay at sigla
Ulan, ang buhos ng biyaya
Araw, ang sikat ng tuwa
Sa lupa na dibdib ng pag-asa

Ulan at hangin, araw at lupa
Pagyamanin natin sa puso at gawa
Puno, halaman, hayop at sangkatauhan
Sisigla sa tuwa, sa pag-asa at biyaya

Ang masayang ugnayan ng ating kalikasan
Sige, sirain mo't ikaw rin ang babalikan

Hangin, ang simoy ng buhay at sigla
Ulan, ang buhos ng biyaya
Araw, ang sikat ng tuwa
Sa lupa na dibdib ng pag-asa

Hangin, ang simoy ng buhay at sigla
Ulan, ang buhos ng biyaya
Araw, ang sikat ng tuwa
Sa lupa na dibdib ng pag-asa
Comments
blog comments powered by Disqus
Related Lyrics
More lyrics by Dessa:
Page Views: 9,413