Home
“Tanging Ina N'yo” by Ai-Ai delas Alas
Album Mag-Otso-Otso Tayo Bayan [2003] / Ang Tanging Ina N'yo [2004] / Alam Mo Na Yan!: The Best of Novelty Hits [2005] / Novelty Super Hits Set: Mga Kanta na Over sa Saya! [2006]
Words By Artemio Abad, Jr. / Jonathan Tiongco
Music By Artemio Abad, Jr. / Jonathan Tiongco
Ave. Rating: 3.67 (3 votes)

Hindi ko maintindihan kung ba't sila ganyan
Minsan kami ang nakikita't pinag-uusapan
Kasalanan ko bang umibig at iwanan
Magkaroon ng anak na tanging aming yaman

Lahat na yata ng hirap ay ginawa ko
Naging tindera na ako ng pirated sa kanto
Naging construction worker para lang mabuhay kayo
Gay impersonator ang naging trabaho ko

Kay hirap talagang maging isang ina
Mahaba dapat ang 'yong pasensya
Pero kahit andyan ang problema
Para sa anak, lahat ay kayang-kaya
Dahil ako ang...

Tanging ina n'yo
Na nagpapalit ng diapers no'ng bata pa kayo
Tanging ina n'yo
Ang nag-aalaga, namamalantsa ng mga damit n'yo
Nagpapaligo habang nagluluto ako
Nagpapakain, nag-aalaga sa inyo

Kinabukasan n'yo ang laging iniisip ko
Ang mapag-aral kayo hanggang sa kolehiyo
Magtinda man ako ng gulay, isda at sago
Chicaron at balot ay gagawin ko

At kahit na marami sa 'ting umaalipusta
Sabihin man nilang lahat ang gusto nila
Dito sa puso ko'y pantay-pantay ang nadarama
Bilang mga anak dahil ako ang inyong ina

Kay hirap talaga kapag nag-iisa
Responsibilidad mo'y 'di basta-basta
Kuryente, tubig, bayad sa kasera
Kung may sobra, may baon sa eskwela
Dahil ako ang...

Tanging ina n'yo
Ang tumatayo bilang nanay at tatay n'yo
Tanging ina n'yo
Na nagpapatawa kapag nalulungkot kayo
Nasasaktan 'pag 'di naibigay ang gusto n'yong mga kailangan

Tanging ina n'yo
Na handang magtanggol 'pag inaapi kayo
Tanging ina n'yo
Na ibibigay kahit buhay ko sa inyo
Ano man ang mangyari, nandirito ako hanggang huli

Tanging ina n'yo
Tanging ina n'yo
Tanging ina n'yo ako
Tanging ina n'yo
Comments
blog comments powered by Disqus
Download MP3
Related Lyrics
More lyrics by Ai-Ai delas Alas:
Page Views: 2,657