Home
“Panaginip” by Crazy as Pinoy
Album Rappublic of the Philippines [2003]
Words By Muriel Anne Flores / Lordivino Ignacio
Music By Muriel Anne Flores / Lordivino Ignacio
Ave. Rating: 2 (1 votes)

Nagtitipon na ang puso ko 'pag ako'y inaantok
Wala na 'kong pakialam kahit papakin pa ng lamok
Kahit mainit, malamig basta't napasandal
Dire-diretso na ang tulog kahit bumarandal

Well, okey lang, alam ko naman na magkikita pa naman
Tayong dalawa sa may tagpuan tayo lang ang may alam
Maramdaman na kahit minsan na ako'y iyong mahal
Subalit nagising na lang ako na meron nang sumasakal

Umaandar pa rin ang isip ko na kasama pa kita
Kahit sinasampal nila ako, nakikita pa kita
Ano nga ba'ng pinakain mo, bakit patay na patay ako
Pati na nga trabaho ko, napabayaan ko

Ipagtatapat sa 'yo ikaw lang ang aking pantasya
Sagutin mo lang ako, ililibot kita sa Asya
Buong hacienda, ipapamana sa iyo
Okey na sana ang lahat, bakit ginising mo pa ako

Kung panaginip ka lang, ayaw ko nang magising pa
Pagka't nadarama'y ligaya
Lahat ng naisin mo'y aking ibibigay
Pagka't ikaw ay aking mahal

Pagbigyan mo naman ako, minsan na lamang hihiling
Pagkatapos naman nito, patuloy kitang mamahalin
'Wag mo namang palampasin ang gabing ito nang 'di malinaw
'Paliwanag mo nang mabuti pero 'wag mong isigaw

Napahiyaw pagka't nangyari ang aking inaasam
Kahit medyo suntok sa buwan at least 'di na manghihiram
Kay Ka Bunegro na may gawa ng matatamis na panaginip
Luluwang na ang paghinga, ang puso'y 'di na maninikip

Pinapahigpit mo pa nga ang yakap, ako nama'y tuwang-tuwa
At ang milagro ngang ito, sa isip ko, walang-wala
Binale-wala ang mga kantsaw na 'di raw tayo nababagay
Ako mismo, 'di makapaniwala na sa 'kin ka pa bibigay

Pinagpalagay ko na lang ang lahat ay kaloob sa 'kin ng Diyos
Kailanma'y 'di babastusin, susundin lahat ng utos
Hanggang mapaos sa awitin, sana nama'y iyong dinggin
At kung panaginip lang ito, sana'y 'di na ko magising

Kung panaginip ka lang, ayaw ko nang magising pa
Pagka't nadarama'y ligaya
Lahat ng naisin mo'y aking ibibigay
Pagka't ikaw ay aking mahal

[3rd Stanza Background]
Nasa'n ka man ngayon
Nais ko malaman mo
Hinahanap-hanap ko
Kinakabahan, iyong halik

[With 3rd Stanza Background]

Dapat ko lang tapatan, taasan, higitan nang walang hanggan
Pagmamahal na inalay mo, lubusan kong tutumbasan
Sabihin mo lang, sige lang, sige lang bago tuluyang mabuwang
'Di na nga makapaghihintay, pahalik naman, isa lang, isa lang, isa lang

Ha, ha-ha-ha-ha-ha-ha, he-he-he
Nababaliw yata ako sa tamis ng 'yong halik
Masasabik ako parati na ikaw ay makapiling
Pero this time, baby, ako'y nagising, nagising, nagising, nagising

Na para bang duling, para bang lasing na napraning
Sabihin mo lang kung sa'n patungo upang aking marating
Ang minimithi, abot-kamay, wala-wala ito sablay
Handang-handa nang maghintay, wala na sanang bibigay

Mamahalin hanggang buhay, mamahalin kahit patay
Parang pilay na walang saklay kapag ika'y humiwalay
Mamamatay dahil sa 'yo, mabubuwang dahil sa 'yo
Mamamatay na lang ako kung panaginip lang ito

Kung panaginip ka lang, ayaw ko na magising pa
Pagka't nadarama'y ligaya
Lahat ng naisin mo'y aking ibibigay
Pagka't ikaw ay aking mahal, mahal
Pagka't ikaw ay aking mahal
Hah hah hah haah
Comments
blog comments powered by Disqus
Download MP3
Related Lyrics
More lyrics by Crazy as Pinoy:
Page Views: 1,705