Home
“Oras Na” by Coritha
Album Ang Musika ni Coritha [1982] / Ugat: The Best of Pinoy Folk Rock [2009] / Ang Musika ni Coritha [Re-issue] [2009]
Words By Coritha
Music By Coritha
Ave. Rating: 0 (0 votes)

May bulong, dinggin mo
Ihip ng ating panahon
May sigaw, dinggin mo
At ubos na ang oras mo

Oras na, magpasiya
Kung saan ka pupunta
Oras na, oras na
Mag-iba ka ng landas

Tayo na sa liwanag
Ang takot ay nasa isip lamang
Tama na ang pag-aalinlangan
Ang takot ay nasa isip lamang

Kung daa'y 'di tiyak
At ang ulo'y laging ligaw
Damhin mo, damhin mo
Ang landas ng puso mo

Tayo na sa liwanag
Ang takot ay nasa isip lamang
Tama na ang pag-aalinlangan
Ang takot ay nasa isip lamang

Dinggin mo, damhin mo
Ang landas ng puso mo
Oras na, oras na
Magbuo ka ng pasiya

Tayo na sa liwanag
Ang takot ay nasa isip lamang
Tama na ang pag-aalinlangan
Ang takot ay nasa isip lamang

Takot ay nasa isip lamang
Comments
blog comments powered by Disqus
Download MP3
Related Lyrics
Page Views: 645