Home
“Hawak-Kamay” by Yeng Constantino
Album Pinoy Dream Academy Originals Vol. I [2006] / Salamat [2006]
Words By Yeng Constantino
Music By Yeng Constantino
Ave. Rating: 0 (0 votes)

Minsan madarama mong kay bigat ng problema
Minsan mahihirapan ka at masasabing 'di ko na kaya

Tumingin ka lang sa langit
Baka sakaling may masumpungan
O 'di kaya ako'y tawagin
Malalaman mong kahit kailan

Hawak-kamay, 'di kita iiwan sa paglakbay
Dito sa mundong walang katiyakan
Hawak-kamay, 'di kita bibitawan sa paglalakbay
Sa mundo ng kawalan

Minsan madarama mo ang mundo'y gumuguho sa ilalim ng 'yong mga paa
At ang agos ng problema ay tinatangay ka

Tumingin ka lang sa langit
Baka sakaling may masumpungan
O 'di kaya ako'y tawagin
Malalaman mong kahit kailan

Hawak-kamay, 'di kita iiwan sa paglakbay
Dito sa mundong walang katiyakan
Hawak-kamay, 'di kita bibitawan sa paglalakbay
Sa mundo ng kawalan

Huwag mong sabihin nag-iisa ka
Laging isipin may makakasama
Narito ako
Narito ako

Hawak-kamay, 'di kita iiwan sa paglakbay
Dito sa mundong walang katiyakan
Hawak-kamay, 'di kita bibitawan sa paglalakbay
Sa mundo ng kawalan
Sa mundo ng kawalan
Hawak-kamay
Hawak-kamay
Hawak-kamay
Sa mundo ng kawalan
Music Video
Comments
blog comments powered by Disqus
Download MP3
Related Lyrics
Page Views: 664