Home
“Nanliligaw, Naliligaw” by Ima Castro feat. Lloyd Umali
Album Mamahalin Kita, Ima [1993]
Ave. Rating: 4.6 (5 votes)

Madalas kitang makitang may kasama
Magkahawak ang mga kamay
Bumibigat ang puso ko
Laging nangangarap na ako'ng kapiling mo

Dapat nga kayang sa iyo ako'y humanga
Kahit na ako'y mayro'n nang iba
Pigilan man ang puso
Tuwid man ang tingin, lumilingon ang isip ko

Ang puso ko ay nanliligaw
Ang puso ko ay naliligaw
Bakit kaytagal nang hinihintay at ngayon ka lang nakita
At 'di na ako manliligaw
At 'di na ako maliligaw
Kung sasabihin mong ikaw at ako ang magkapalad

Kung sakali mang magulo itong damdamin
Naghahabol sa 'yong nagdaan
Nauna nang pagsuyo niya'y
Lihis sa 'yong landas 'pagkat tayo ang tadhana

'Pag nilalaro mo ang aking isipan
Halik at yakap mo ang nararamdaman
Akala ko'y nabihag niya
Ang puso kong itong sa 'yo'y malayang nagpasya

Ang puso ko ay nanliligaw
Ang puso ko ay naliligaw
Bakit kaytagal nang hinihintay at ngayon ka lang nakita
At 'di na ako manliligaw
At 'di na ako maliligaw
Kung sasabihin mong ikaw at ako ang magkapalad

'Di ko kayang masaktan ang damdamin
Siya'y nagmamahal nang tunay sa akin
Pa'no na ang aking pusong
Ikaw lamang ang tanging buhay

Ang puso ko ay nanliligaw
Ang puso ko ay naliligaw
Bakit kaytagal nang hinihintay at ngayon ka lang nakita
At 'di na ako manliligaw
At 'di na ako maliligaw
Sana nga'y maging ikaw at ako at wala nang hahanapin

Ang puso kong nanliligaw
Ang puso kong naliligaw
Bakit kaytagal nang hinihintay at ngayon ka lang nakita
At 'di na ako manliligaw
At 'di na ako maliligaw
Kung sasabihin mong ikaw at ako ang magkapalad

Ang puso ko'y naliligaw
[Fading]
Comments
blog comments powered by Disqus
Related Lyrics
More lyrics by Ima Castro:
Page Views: 3,056