Home
“Kanlungan” by Noel Cabangon
Album Akustik Natin [2003] / Tunog Acoustic [2003] / Best of OPM Acoustic Hits [2005] / Himig Nating Pag-ibig [2006] / Akustik Natin [Repackaged] [2014]
Words By Romeo C. Dongeto
Music By Romeo C. Dongeto
Ave. Rating: 5 (1 votes)

Pana-panahon ang pagkakataon
Maibabalik ba ang kahapon

Natatandaan mo pa ba
Nang tayong dal'wa'y unang magkita
Panahon ng kamusmusan
Sa piling ng mga bulaklak at halaman
Doon tayong nagsimulang
Mangarap at tumula

Natatandaan mo pa ba
Inukit kong puso sa punong mangga
At ang inalay kong gumamela
Magkahawak-kamay sa dalampasigan
Malayang tulad ng mga ibon
Ang gunita ng ating kahapon

Ang mga puno't halaman
Ay kabiyak ng ating gunita
Sa paglipas ng panahon
Bakit kailangan ding lumisan

Pana-panahon ang pagkakataon
Maibabalik ba ang kahapon

Ngayong ikaw ay nagbalik
At tulad ko rin ang iyong pananabik
Makita ang dating kanlungan
Tahanan ng ating tula at pangarap
Ngayon ay naglaho na
Saan hahanapin pa

Lumilipas ang panahon
Kabiyak ng ating gunita
Ang mga puno't halaman
Bakit kailangang lumisan

Pana-panahon ang pagkakataon
Maibabalik ba ang kahapon

Lumilipas ang panahon
Kabiyak ng ating gunita
Ang mga puno't halaman
Bakit kailangang lumisan

Pana-panahon ang pagkakataon
Maibabalik ba ang kahapon
Comments
blog comments powered by Disqus
Download MP3
Related Lyrics
More lyrics by Noel Cabangon:
Page Views: 3,197