Home
“I Believe” by Jimmy Bondoc
Album My Sassy Girl [Soundtrack] [2005] / Undercovers [2005]
Music By Hyeong-seok Kim
Ave. Rating: 0 (0 votes)

I believe na ikaw lang at ako
Kung kaya't tayo ay pinagtagpo
I believe ang kapalaran mo'y ako
At sana ay gano'n din ang puso mo

Noong una ay hindi mo 'ko gusto
Kaibigan lang ang turing mo, paano na ako

Araw-araw, maghihintay, hawak lamang
Ang sinabi mong baka mahal mo rin ako
Tama na sa 'kin ang minsa'y binigyan mo ng pag-asa
Basta't mahal kita
Ikaw lang at ako ang magsasabi ng "I love you"

I believe may ibang pangarap ka
At kaytagal nating 'di magkikita
Kung saan ka dalhin ng puso mo
Asahan mong ang pag-ibig ko'y sa 'yo

Lumipas ang araw at parang kay tagal
Sa mga bituin nakatingin kausap ay ikaw

Araw-araw, maghihintay, hawak lamang
Ang sinabi mong baka mahal mo rin ako
Tama na sa 'kin ang minsa'y binigyan mo ng pag-asa
Basta't mahal kita
Ikaw lang at ako ang magsasabi ng "I love you"

Ang buhay ko'y ikaw kailanpaman
Kahit tayo'y magkalayo
Tadhana na ang s'yang daan
Nang pag-ibig mo'y maramdaman
Basta't ito ang pangako ko

Araw-araw, maghihintay, hawak lamang
Ang sinabi mong baka mahal mo rin ako
Tama na sa 'kin ang minsa'y binigyan mo ng pag-asa
Basta't mahal kita
Ikaw lang at ako ang magsasabi ng "I love you"

Ikaw lang at ako ang magsasabi ng "I love you"
Music Video
Comments
blog comments powered by Disqus
Download MP3
Related Lyrics
Page Views: 368