Home
“Tabing Ilog” by Barbie's Cradle
Album Barbie's Cradle [1999] / Music from the Buffet Table [2000] / Tunog Acoustic [2003] / Acoustic Light [2004] / Barbie: The Singles [2005]
Words By Rommel dela Cruz
Music By Rommel dela Cruz
Ave. Rating: 0 (0 votes)

Sa ilog, ang mundo'y tahimik
Ako'y nakikinig sa awit ng hangin
Habang kayo'y hinihintay
Na sana'y dumating bago magdilim

Sa tuwina'y kandungan n'yo ay duyan
Panaginip na walang katapusan
Ang ilog hantungan niya'y pangako
Ng 'nyong pagbabalik

Ngiting kasama ng hangin
Luhang daloy ng tubig
Sa ilog na 'di naglilihim

Sa ilog, ang mundo'y may himig
'Di sanang nagpalit ang awit ng hangin
Habang kayo'y hinihintay
Mata'y may ngiti, puso'y nananabik

Sa tuwina'y kandungan n'yo ay duyan
Panaginip na walang katapusan
Ang ilog hantungan niya'y pangako
Ng 'nyong pagbabalik

Ngiting kasama ng hangin
Luhang daloy ng tubig
Sa ilog na 'di naglilihim

Haah
Sa ilog
Haah
Comments
blog comments powered by Disqus
Download MP3
Related Lyrics
Page Views: 280