Home
“Time Space Warp” by BalahibumPooza
Album A Dozen Alternatives [1994]
Ave. Rating: 3.67 (3 votes)

Time Space Warp, ngayon din

Mga tambay doon sa kanto
Mga jokers doon sa Recto
Mga praning doon sa Tondo
Paano na ang bayan ko

Basura sa kalye'y nagtambak
Mag-ingat baka mabangga ng may topak
Mga daan ay tadtad ng lubak
At nangongotong na mga parak

Ayoko na, sawang-sawang na
Mabuti pang nasa Time Space Warp

Babilos!

Mandarayang mga artisa
'Sang tambak hayop sa pulitika
Buwayang kapitalista
Ang bayan ko'y paano na

Mga pusakal at mapagharing puri
Mga manyakis at maninira ng puri
Mga kaliwete at nangangalantari
Mga talangkang malilinis kunwari

Ayoko na, sawang-sawang na
Mabuti pang nasa Time Space Warp

Blue Hawk!

Uhm-sige-sige, uhm-sige-sige, uhm-eh
Uhm-sige-sige, uhm-sige-sige, uhm-eh
Uhm-sige-sige, uhm-sige-sige, uhm-sige-sige-ehh

Bansa ng manloloko
Magiging karamay ay naiinsulto
Sa tingin ng mundo'y basang-basa na tayo
Paano na ang bayan ko

Basura sa lipunan nagtambak
Umaalingasaw na parang ebak
Sugat ng bayan nagnanaknak
Dahil sa bara ng puro dakdak

Ayoko na, sawang-sawang na
Bad trip na, tanggalin na
Mabuti pang nasa Time Space Warp

Fuma Lei Ar! Ida!
Comments
blog comments powered by Disqus
Download MP3
Related Lyrics
More lyrics by BalahibumPooza:
Page Views: 7,519