Home
“Basta't Kasama Kita” by Dingdong Avanzado
Album Just Can't Stop [1989] / The Best of Dingdong Avanzado [1992] / The Best of Dingdong Avanzado [Re-issue] [2007] / Gold Ito! 2
Words By Greg Caro
Music By Greg Caro
Ave. Rating: 0 (0 votes)

Sa tuwing tayo'y magkakalayo
Hindi matahimik ang puso ko
Bawat sandali hanap kita
'Di mapakali hanggang muling kapiling ka

Dahil kung ika'y makita na
Labis-labis ang tuwang nadarama
Magisnan lamang ang kislap ng 'yong mata
Kahit ano pa ay kakayanin ko na

Basta't kasama kita, lahat magagawa
Lahat ay maiaalay sa 'yo
Basta't kasama kita, walang kailangan pa
Wala nang hahanapin pa basta't kasama kita

Giliw, sana ay ikaw na nga
Ang siyang mananatiling kasama ko
Dahil kung ika'y mawawala
Pati lahat sa buhay ko'y maglalaho

Ngunit kung kapag kasama kita, lahat magagawa
Lahat ay maiaalay sa 'yo
Basta't kasama kita, walang kailangan pa
Wala nang hahanapin pa basta't kasama kita

Basta't kasama kita, lahat magagawa
Lahat ay maiaalay sa 'yo, woh
Basta't kasama kita, walang kailangan pa
Wala nang hahanapin pa basta't kasama kita

Walang kailangan pa
Wala nang hahanapin pa basta't kasama kita
Comments
blog comments powered by Disqus
Related Lyrics
Page Views: 4,750