Home
“Paano” by APO Hiking Society
Album Kami nAPO Muna: Tribute to APO Hiking Society [Special Limited 2-CD Edition] [2006]
Words By Boboy Garovillo
Music By Boboy Garovillo
Ave. Rating: 3 (1 votes)

INTRO


Paano mo malalaman itong pag-ibig ko sa 'yo
Paano mo mararamdaman ang tibok ng puso ko
Kung lagi kang kinakabahan na ika'y masasaktan
Pangako ko, ang puso mo'y hindi pakakawalan


Paano mo maiintindihan na ako'y nananabik
O kailan ko kaya madarama ang tamis ng 'yong halik
Kung lagi mong inaatrasan ang sugod ng nagmamahal
Sana nama'y pagbigyan mo'ng hiling ng puso ko


CHORUS
Subukan mong magmahal, o giliw ko
Kakaibang ligayang matatamo
Ang magmahal ng iba'y 'di ko gagawin
'Pagkat ikaw lang tanging sasambahin
Huwag ka nang (hah) mangangamba (hah)
Pag-ibig ko'y ikaw, wala nang iba


[Repeat 1st stanza]


CHORUS
Subukan mong magmahal, o giliw ko
Kakaibang ligayang matatamo
Ang magmahal ng iba'y 'di ko gagawin
'Pagkat ikaw lang tanging sasambahin
Huwag ka nang (hah) mangangamba (hah)
Pag-ibig ko'y ikaw, wala nang iba

Subukan mong magmahal, o giliw ko
Kakaibang ligayang matatamo
Ang magmahal ng iba'y 'di ko gagawin
'Pagkat ikaw lang tanging sasambahin
Huwag ka nang mangangamba
Pag-ibig ko'y ikaw, wala nang iba

(Subukan mong magmahal) Subukan mo, giliw ko (o giliw ko)
(Kakaibang ligayang matatamo) Matatamo
(Ang magmahal ng iba'y 'di ko gagawin)
('Pagkat ikaw lang tanging sasambahin) Ikaw lang ang sasambahin
Huwag ka nang mangangamba
Pag-ibig ko'y ikaw, wala nang iba

Subukan mong magmahal, o giliw ko
Kakaibang ligayang matatamo (matatamo)
Ang magmahal ng iba'y 'di ko gagawin ('di ko gagawin)
'Pagkat ikaw lang tanging sasambahin
Huwag ka nang mangangamba
[Fading]
Comments
blog comments powered by Disqus
Related Lyrics
Page Views: 1,256