Home
“Awit ng Barkada” by APO Hiking Society
Album The Best of APO Volume 2 [1991] / Kami nAPO Muna: Tribute to APO Hiking Society [Special Limited 2-CD Edition] [2006]
Words By Danny Javier
Music By Danny Javier
Ave. Rating: 0 (0 votes)

INTRO


Nakasimangot ka na lang palagi
Parang ikaw lang ang nagmamay-ari
Ng lahat ng sama ng loob

Pagmumukha mo ay hindi maipinta
Nakalimutan mo na bang tumawa
Eh, sumasayad na ang nguso mo sa lupa


CHORUS
Kahit sino pa man ang may kagagawan ng 'yong pagkabigo
Ay isipin na lang na ang buhay kung minsan ay nagbibiro
Nandidito kami, ang barkada mong tunay aawit sa 'yo
Sa lungkot at ligaya, hirap at ginhawa, kami'y kasama mo


O, ikaw naman


Kung sa pag-ibig, may pinag-awayan
Kung salapi ay 'wag nang pag-usapan
Tayo'y 'di nagbibilangan

Kung ang problema mo'y nagkatambakan
Ang mga utang 'di na mabayaran
Lahat ng bagay ay nadadaan sa usapan


[Repeat CHORUS]


O, ikaw na



Kung hahanapin ay kaligayahan
Maging malalim o may kababawan
Sa 'yo ay may nakalaan

Kami'y asahan at 'wag kalimutan
Maging ito ay madalas o minsan
'Pagkat iba na nga ang may pinagsamahan


[Repeat CHORUS]


Kasama mo
Kasama mo
Kasama mo
Comments
blog comments powered by Disqus
Download MP3
Related Lyrics
Page Views: 2,606