Home
“Pag-ibig” by APO Hiking Society
Album The Best of APO Hiking Society [1988] / Kami nAPO Muna: Tribute to APO Hiking Society [Special Limited 2-CD Edition][2006]
Words By Danny Javier
Music By Danny Javier
Ave. Rating: 2.67 (3 votes)

INTRO


No'ng tangan ng nanay ang munting mong mga kamay
Ika'y tuwang-tuwa, panatag ang loob
Sa damdaming ika'y mahal


No'ng nakilala mo ang una mong sinta
Umapaw ang saya at siya'y ibang-iba
Sinasamsam ang bawat gunita


CHORUS 1
Hindi mo malimutan kung kailan nagsimulang
Matuto kung papa'no magmahal
At 'di mo malimutan kung kailan mo natikman
Ang una mong halik, yakap na napakahigpit
Pag-ibig na tunay hanggang langit


No'ng tayo'y nagkakilala nang hindi sinasadya
Ikaw lang ang napansin, nahuli sa isang tingin
At sa pagbati mong napakalambing


CHORUS 2
Hindi ko malimutan kung kailan nagsimulang
Matutong ikaw lang ang mahalin
At 'di ko malimutan kung kailan ko natikman
Ang tamis ng 'yong halik, yakap na napakahigpit
Pag-ibig mong tunay hanggang langit


'Di ko malimutan kung kailan ko natikman
Ang tamis ng iyong halik, yakap na napakahigpit
Pag-ibig mong tunay hanggang langit
[Repeat]
Comments
blog comments powered by Disqus
Related Lyrics
Page Views: 2,177