Home
“Ikaw Sana” by Ogie Alcasid
Album A Better Man [2001]
Words By Ogie Alcasid
Music By Ogie Alcasid
Ave. Rating: 0 (0 votes)

INTRO


Sa buhay natin
Mayroon isang mamahalin
Sasambahin


Sa buhay natin
Mayroon isang bukod tangi sa lahat
At iibigin nang tapat


REFRAIN 1
Ngunit sa 'di sinasadyang pagkakataon
At para bang ikaw ay nilalaro ng panahon
May makikilala at sa unang pagkikita
May tunay na pag-ibig na nadarama


CHORUS
Bakit ba hindi ka nakilala nang ako'y malaya pa
At hindi ngayon ang puso ko'y may kapiling na
Bakit ba hindi ka nakilala nang ako'y nag-iisa
Sino ang iibigin, ikaw sana


'Di mo napapansin
Sa bawat araw na kasama mo s'ya
Kapiling ka n'ya


Bawat sandali
Punung-puno ng ligaya at saya
Damdamin ay iba


REFRAIN 2
At sa 'di sinasadyang pagkakataon
Na para bang ikaw ay nilalaro ng panahon
Bigla kayong nagyakap, mga labi nyo'y naglapat
Ang inyong mga mata'y nagtatanong, nangangarap


[Repeat CHORUS]
Comments
blog comments powered by Disqus
Related Lyrics
Page Views: 1,848