Home
“Yaya” by Jimmy Bondoc
Album Yaya [Single] [2015]
Words By Jimmy Bondoc
Music By Jimmy Bondoc
Ave. Rating: 4.75 (4 votes)

May pag-ibig pa palang gan'to
Tila sumusubaybay ang buong mundo
Bawat tingin, bawat sulyap
Walang bawal sa pangarap
May wakas ba ang hiwagang kaysarap, hoh-oh

Yaya-yain kita
Sa tamang panahon
Sa altar ng Poon
Yaya-kapin kita
Kung hindi man ngayon
Darating tayo ro'n
Kung mahal mo ako at ma-Alden kita
Balang-araw tayo ring dalawa

Kahit pader, 'di tayo mapaghiwalay
Kahit matatanda'y 'di tayo masaway
Bawat puso'y sumisigaw
Hinihintay lang ang araw
Na kahit 'sang saglit, ikaw ay matanaw, hoh-hoh

Yaya-yain kita
Sa tamang panahon
Sa altar ng Poon
At Yaya-kapin kita
Kung hindi man ngayon
Sa madaling panahon
Kung mahal mo ako at ma-Alden kita
Balang-araw tayo ring dalawa, woh-hoh

Kung may hahadlang sa pagmamahalan
Huwag mag-alala, puso ko'y sa 'yo lamang
Panahon natin ito, bakit natin isusuko
Balang-araw alaala natin ito

Yaya-yain kita
Sa tamang panahon
Sa altar ng Poon
At Yaya-kapin kita
Kung hindi man ngayon
Sa madaling panahon
Kung mahal mo ako at ma-Alden kita
Balang-araw tayo ring dalawa
Balang-araw, sinta

Kung mahal mo ako at ma-Alden kita
Balang-araw tayo ring dalawa
Music Video
Comments
blog comments powered by Disqus
Download MP3
Related Lyrics
Page Views: 5,441