Home
“Cerberus” by Abra feat. Loonie & Ron Henley of Stickfiggas
Album Abra [2013] / Cerberus [Single] [2013]
Ave. Rating: 0 (0 votes)

[Abra]

Sige, pumasok ka sa loob ng aking utak, utak, u-takbo
Sige, bilisan mo pa ha hanggang sa madapa kasi ang kupad-kupad mo
Takbo para 'di ka maabutan; kinikilabutan, kinatatakutan mo
Kapag nahuli ka, patay kang bata ka na para bang nakunan sa sinapupunan, uh

Isa, dalawa, tatlo, kilala bilang mga sira-ulo
Halatang inakala ng iba na 'di makapangyarihan ang mga ginayuma
Wasak ang mga talukap ng mga masangsang na alamang at talangkang walang alam
At halatang nagtatangkang maghatakan nang pababa nang pababa lang hanggan sa hangganan ng walang hanggan

Puro mga inggiterong nabagot; oo, mga feelingerong nayamot
Pa'no n'yo 'ko hihilahin sa balong malilim, eh hindi niyo nga 'ko maabot
Bra-tata-tata-ra-chik-chik-bang; oh, 'di ba nakakatakot
'Pagkat 'di n'yo matatakasan ang boses ng kabataan kapag sure hit ang mga pasabog

Sino ba yan; sinubaybayan at sinabayan na naman ng buong sambayanan
Kahit gago, makabago, makatao at makatarungan; heto na si Abra, tan-ta-na-nan
'Di man katangkaran pero nakayanang umakyat sa pedestal at gumawa ng himala
Binatang makatang matinik na kakaiba talaga mag-isip; maski maliit, ang dami paring mga tumitingala, braa!

[Loonie]

Sige, pumasok ka sa loob ng aking utak
Puwede mo itong ihalintulad sa isang higanteng pintuang 'di mo maitulak
Tingnan mo itsura, 'di mo masikmura, parang ginawa mo inumin ang suka
Huwag kang umasa na mangyari magkatsansa ka sa 'kin kasi distansya natin bituwin at lupa

Libo-libong sinagupa, binaon parang basura, pinipicturan ko muna bago ilibing sa lupa
Primitimong lirisismo pipilitin kong pihitin kung tingin mong kiliti mong imposible kong makuha
Pilipinong sining at literaturang hinaluan ng mga bara na parang hiroglipiko ang sulat
Mga titik na inipon at sinukat ay nagiging ipo-ipo 'pag hindi ko naisuka

'Pag ako nagalit, papaupuin kita sa dala ko na karet
Ako si Kamatayang bumaba mula sa langit; alam mo ba kung bakit
Para sindihan ka nang buhay hanggang sa malapnos ang balat at makalbo ang anit
'Pag parang kambing na 'yong amoy, papatayin ko 'yong apoy palakol ang gamit

Sige, pumasok ka pa sa loob ng aking utak
Hinulma ng usok, puyat, Kuya Kiko at ni 2Pac
Susubukan kong unatin at sukatin sa talampakan upang makita nilang lampas-bente ang taas
Maaring makapasok kaso nga lang 'pag pintua'y nagsarado siguradong 'di na pwedeng lumabas

[Ron Henley]

Sige, pumasok ka sa loob ng aking utak
Para kang umakyat ng banahaw at naligaw sa gitna ng gubat
'Di mo maintindihan, parang dikit-dikit na sulat ng doktor
Mga kabit-kabit na letra parang tren pinatatakbo pa rin kahit akala ng iba'y kinakalawang ang motor

Hawak ko'y tinidor na mula kay Poseidon at Shiva
'Pag tinamaan ng lintik siguradong may baong matataas na along kayang lumamon ng isla
Salamat ginising mo ang pinakamatangkad sa limang daliri ko
Uso ata ang utak at pusong mabato, panahong paleolitiko

Masdan mo ang sugat sa likod ng larawan ng mga multong 'di na nagparamdam
Dati'y binabahayan ng pula ngayon nama'y binabawi na ng mga itim na langgam
Naramdaman ang nagbabagang lupa mula sa palad ng Shaman
Nagpatangay sa hangin hanggang sa mapadpad sa patag na dapat lakaran

Pagdaan ko, mga aso kumahol; 'yong iba naglabas ng pala, piko't asarol
Sinubukan nilang hukayin ang lalim ngunit natagpuan lang nila ay ang kanilang sariling ataol
Tanggalin n'yo na muna ang mga muta sa mata na nakabara; hala sige maghilamos
Nang makita n'yong na mga patay na isda lang ang sumasabay sa agos
Music Video
Comments
blog comments powered by Disqus
Download MP3
Related Lyrics
More lyrics by Abra:
Page Views: 957